What's on TV

WATCH: Kim Domingo, gaganap sa kanyang true to life story sa 'Magpakailanman'

By Bea Rodriguez
Published July 13, 2017 3:20 PM PHT
Updated July 13, 2017 3:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



“Ni-request ko talaga na ako ‘yung gumanap dito sa story ko" - Kim

Ngayong Sabado, July 15, makikilala na natin ang Bagong Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo sa likod ng kanyang sexy image sa Magpakailanman: The Kim Domingo Life Story

 

Ngayong Sabado na ???? #KimDomingoOnMPK

A post shared by Kim Domingo (@therealkimdomingo) on


“Ni-request ko talaga na ako ‘yung gumanap dito sa story ko,” kuwento ng Kapuso star sa kanyang guesting sa Unang Hirit kaninang umaga.
 
Pakiramdam ng aktres ay pinagdaanan niya ulit ang kanyang naging buhay, “Masaya at the same time, habang ginagawa ko siya, parang nagfa-flashback lahat na nangyari sa akin, lalo na doon sa mga part na struggles ng buhay ko.”
 
Totoong naiyak daw ang French-Filipina actress sa pagganap ng kanyang true to life story, lalong-lalo na't laki umano siya sa hirap.
 
Ipapakita rin sa kuwento kung paano naabot ni Kim ang kanyang mga pangarap at naiahon ang kanyang pamilya sa hirap.
 
Gaganap naman ang beteranang aktress na si Snooky Serna bilang ang Pinay niyang inang na si Fina Domingo.


Video courtesy of GMA News