
Mas humanga raw si Kapuso actress Kim Domingo sa kanyang leading man sa Kiko En Lala na si Super Tekla nang makasama niya ito sa pelikula.
“First time ko siyang nakitang mag-drama e.
“Siyempre, pag Tekla alam nating komedyante, 'di ba ganyan?
“So dun ko lang siya nakita 'yung other side niya na kaya pala niyang mag-drama,” bahagi nito kay 24 Oras reporter Cata Tibayan.
Gumaganap si Kim bilang si Aning, ang leading lady ni Kiko, ang boy counterpart ni Tekla sa pelikula.
Para naman sa love team ni Lala, ang gay-half ng twins, gagampanan ito ni Kapuso hunk Derrick Monasterio bilang si Rap.
Bahagi ni Derrick, marami-raming eksena ang puno ng katatawanan pero mayroong isang eksena na dapat abangan sa pelikula.
Ano ito? Alamin sa chika ni Cata Tibayan:
Sa pelikula, gumaganap si Tekla bilang ang kambal na sina Kiko at Lala. Si Kiko bilang ang machong-machong twin, habang si Lala naman ang outspoken at witty gay twin.
Makakasama ni Super Tekla dito sina Derrick Monasterio, Kim Domingo, Kiray Celis, Divine Tetay, Jo Berry, Vangie Labalan, at si Ms. Aiai Delas Alas para sa isang very special role. Ang Kiko En Lala ay sa ilalim ng direksyon ni Adolf Alix Jr. at produced by Backyard Productions.
Mapapanood na ito sa mga sinehan, nationwide.
Super Tekla showcases comedic prowess in Backyard Productions's 'Kiko En Lala'
Pelikula ni Tekla na 'Kiko en Lala,' mapapanood na sa sinehan simula September 25