
Sa isang segment ng ArtisTambayan noong April 4, sinagot ng Kiko En Lala stars na sina Kim Domingo at Tekla ang ilang katanungan ng kanilang fans.
Kabilang riyan ang mga pinagdaanan nila noong hindi pa sila mga ganap na artista.
Kinumpirma ni Kim na naranasan niya noong tumanggap ng Php 200 na talent fee sa pagiging extra kahit na 24 oras ang kanilang taping.
Kuwento niya, "Actually, nangyari talaga 'yon n'ung time nag-e-extra pa ko sa mga shows, sa mga teleserye before.
"Nag-start ako high school ako pero naging part lang ako ng crowd, mga 16 o 15 ako nun, pinagdaanan ko s'ya.
Dagdag pa ni Kim, "At saka kaya naging 200 kasi kinakaltasan pa ko ng agent ko."
Ang kaniyang kapareha naman na si Tekla, sa tip lang bumabawi noong nagtrabaho siya sa isang comedy bar.
'Yung sahod ko talaga is only Php 300 a night, so mag-start kami ng 9 o'clock ng gabi then hanggang 3 o'clock ng madaling araw, so dun kami bumabawi sa tip."
Panoorin ang buong panayam sa video na ito: