
Guess who!
Ilang detalye tungkol sa kanyang personal na buhay ang ibinahagi ni Kapuso Pantasya ng Bayan, Kim Domingo sa ekslusibong panayam sa kanya ng GMANetwork.com.
Isa na rito ang pagkakahilig niya sa mga horror movies, partikular na ang mga mula sa Thailand at Japan.
"Pinapagalitan ako ng mom ko kasi natatakot sila na baka daw sa sobrang kakanood ko ng ganun baka bangungutin daw ako. Managinip daw ako ng masama [kasi] ang hilig hilig ko sa nakakatakot," kuwento niya.
Mahilig man si Kim sa horror movies, hindi isang 'scream queen' ang dream role niya.
"Gusto ko 'yung parang mala-Princess Sarah, 'yung inaapi," aniya.
"Gusto ko lang siyang ma-experience kasi siyempre 'di ba 'yung image ko ngayon is pa-sexy. Gusto ko namang mapunta ako sa ganung level," dagdag niya.
Nagawi rin ang usapan sa kanyang celebrity crush. Sino kaya ang masuwerteng lalaki na natipuhan ni Kim?
Panoorin sa eksklusibong video na ito!
MORE ON KIM DOMINGO:
Chopsticks Challenge with Kim Domingo