
Ngayong taon ay nakibahagi si Asia’s Fantasy Kim Domingo sa anti-cyberbullying campaign ng GMA Network na #HeartOverHate.
Gaya ng maraming artista, hindi ligtas ang Super Ma’am star sa pambabatikos kaya ilang beses niya na rin nasagot ang kanyang mga bashers.
MUST-READ: Asia's Fantasy Kim Domingo may sagot sa mga pumumpuna sa kanyang dibdib
Ayon sa kanyang campaign video para sa #HeartOverHate, ang pinakamasakit na komento na kanyang natanggap ay “wala kang utak [at] wala kang talento.”
Minsan ay hindi na niya ito pinapansin, “Ang ginagawa ko, hindi muna ako gumagamit ng social media. Kumbaga, nagpapalamig muna ako.”
Hindi ito ibig sabihin na pinapalampas niya ang pambu-bully sa kanya. Sa katunayan, ang pagkampanya niya sa adbokasiya ang isa sa mga paraan niya upang labanan ang kanyang mga haters.
“Huwag ka magpatalo, lalo na doon sa mga negativity na nababasa mo,” kuwento ng dalaga na nais magbigay inspirasyon, “Para makapagbigay na din ng konting lakas ng loob sa ibang tao na dapat labanan nila at huwag sila magpatalo.”