
Matindi ang paghahanda ni Asia’s Fantasy Kim Domingo para sa kanyang role na si Avenir Segovia sa action-fantasy series na Super Ma’am. Isa siya sa mga pwersa ng mga Tamawo na magiging mahigpit na kalaban ng ating superhero sa GMA Telebabad.
Pagkatapos ni Kim sumabak sa Aerial Yoga, nagsanay naman siya sa Muay Thai, Arnis, Wushu at Pilates.
“Lahat ng pwede kong pasukin, pasukin ko para lang mapaganda ‘yung mga fight scenes,” ani ng sexy actress sa Balitanghali. Nag-e-enjoy rin siya mag-Pilates dahil sa flexibility at core workouts nito.
Sinasabayan rin ng Kapuso star ng diet ang kanyang pag-eehersisyo, “’Pag naka-strict diet ako, nagmi-meal plan talaga ako. Ni-request ko na walang rice and no pork din.”
Abangan natin si Kim sa maaksyong eksena niya kasama si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Super Ma’am, gabi-gabi ng 7:45 p.m.