
Ayon sa 'Mashadow' segment ng Mars Pa More, mayroon daw cutie celeb na inuna ang pag-wawalwal kaysa sundin ang utos ng kanyang handler.
Ni-reenact nina Camille Prats, Iya Villania, Chariz Solomon, Kim Last, at Atak ang eksenang ito tungkol kay cutie celeb.
Nang matapos ang eksena, nagulat na lang silang lahat nang aminin ni Kim na siya ang cutie celeb na tinutukoy sa 'Mashadow' na ito.
Aniya, "Totoong totoo 'yan! Hindi naman walwalan, nag-enjoy lang ako sa mga kasama ko."
Dagdag pa niya na matagal na raw iyong issue na iyon.
Panoorin ang reaksyon ni Kim nang ma-blind item siya sa 'Mashadow' ng Mars Pa More: