
Tatlong taon na simula nang sumabak sa Philippine showbiz si Kim Last. Ang half-British at half-Filipino actor-dancer ay galing sa humble beginnings bago sumali sa That's My Bae ng Eat Bulaga.
Aniya, kinse anyos pa lang siya ay nagbabanat na ng buto si Kim, "'Yung first job ko po, maintenance. So, 'yung mga taga-fix, taga-repair ng mga bench. Handyman, kumbaga. 'Yung second, kitchen porter. Taga-hugas ng pinggan, ganyan. 'Yung third year ko, cook."
Pero kahit ganito, nilarawan naman niya ang kanyang childhood bilang masaya at komportable. Kuwento niya, " Super comfortable [naman ang childhood ko]. That's why super masaya ako sa childhood ko. Nalaman ko na maraming maraming sacrifices si mama para sa akin."
Ikinuwento rin niya kung ano'ng klaseng bata siya noon. Ani Kim, "Super makulit, as in parang medyo nakakairita. Pero super makulit. Full of life, malikot, hyper, everything."
Panoorin ang interview ni Kim sa Tunay Na Buhay:
Video courtesy of GMA Public Affairs