
Sa isang episode ng Tunay Na Buhay, bumalik si Kim Rodriguez sa mga dati niyang pinupuntahan sa kanyang hometown sa Rizal. Una ay ang simbahan doon at pangalawa ay ang kanyang eskwelahan.
Aniya, "[Isang dahilan kaya lagi akong nadito] kasi po katabi siya ng school ko, and every first Friday lagi kaming nagsisimba dito [sa Diocesan Shrine of our Lady of Aranzazu sa Rizal.]"
Kilala pa si Kim Rodriguez noon bilang si Kim Jerami Rebadulla sa kanyang paaralan. Kuwento pa niya, "[Natutuwa ako sa pagbisita ko dito dahil] dati ako lang 'yung ditong nakatayo, nanonood lang ako. Tapos ngayon ako na pinapanood nila."
One of the boys nga rin daw si Kim, at basketball player din siya sa school nila. Nagpakita pa nga si Kim ng skills niya sa episode na ito.
Panoorin ang pagbaba-basketball ni Kim dito:
Video from GMA News and Public Affairs