
Sinubukan ni Kim na i-mix ang kantang 'Turn Down for What' nina DJ Snake at Lil Jon.
Habang hindi siya nagte-taping para sa kanyang GMA Afternoon Prime soap na Hanggang Makita Kang Muli, ipinamalas ni Kapuso actress Kim Rodriguez ang kanyang talento sa pagdi-DJ.
Sa isang maikling video na ibinahagi ni Kim sa kanyang Instagram account, makikita siyang nag-eensayo sa kanyang digital turntable.
Sinubukan din niyang i-mix ang kantang 'Turn Down for What' nina DJ Snake at Lil Jon.
Ilang beses na rin na ipinakita ni Kim ang kanyang DJ skills sa iba't iba niyang mga appearances.
MORE ON KIM RODRIGUEZ:
WATCH: Kim Rodriguez ginawa ang 'Running Man Challenge' sa Sky Way
LOOK: Kim Rodriguez plays with a drone in Boracay