Celebrity Life

WATCH: Kimpoy Feliciano, sinubukang mag-prepare ng samgyupsal diretso sa bibig

By Marah Ruiz
Published May 22, 2018 4:02 PM PHT
Updated May 22, 2018 4:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Kasama ang sikat na vlogger na si Kimpoy Feliciano, sinaliksik ng programang 'Reel Time' kung paano ihanda ang samgyupsal. 

Usong-uso ngayon sa mga Korean restaurants na mag-offer ng unlimited samgyupsal. Malugod namang tinanggap ng mga Pinoy foodies ang latest food trend na ito.

Kasama ang sikat na vlogger na si Kimpoy Feliciano, sinaliksik ng programang Reel Time kung paano ito inihahanda. 

"Ang thickness daw ng meat ay 2.5. Kapag umabot na ng 3, medyo mahirap nang maluto," paliwanag si Kimpoy tungkol sa natutunan niya. 

Kasama ang kanyang kaibigang si Gian Neñeria, tinikman nila ang dalawang klaseng karne pati na ang banchan o side dishes na kasama nito. 

Nagkatuwaan naman ang magkaibigan at sinubukang bumuo ng samgyupsal wrap diretso sa kanilang mga bibig.

Magtagumpay kaya sila? 

Panoorin ang feature ni Kimpoy at ng programang Reel Time sa samgyupsal. 

Video courtesy of GMA Public Affairs