
Sa Kapuso ArtisTambayan, ibinahagi ni Kiray Celis kung gaano siya ka-generous sa kaniyang pamilya.
Aniya, "Lahat ng kapatid ko, lahat ng pamangkin ko, sa'kin nakatira at lahat ng needs nila ako nagbibigay. Ako nagpapaaral sa mga niece ko at saka sa mga kapatid, ako rin nagpaaral sa kanila. Goal ko talaga sa life, bago ako mag-boyfriend, bibigyan ko muna ng bahay 'yung family ko. So binigyan ko muna ng bahay bago ako nag-boyfriend. Bahay muna bago landi!"
Maliban sa pamilya, generous rin daw si Kiray pagdating sa mga employees ng kaniyang restaurant sa Mendiola na Chicks and Fins.
"Ako 'yung nagka-cashier, ako 'yung nag-ba-bus out, ako 'yung naglilinis ng table kasi I have a restaurant sa Mendiola, 2nd Street, pangalan niya [ay] Chicks and Fins, sana pumunta kayo. Ako naglilinis ng table 'pag maraming ginawa 'yung mga waiter namin, mga staff ko, ako gumagawa. Taga-open ng door, 'Welcome po, balik kayo ha?'
"Iba kapag mismo ikaw talaga naghawak lalo na pagdating sa staff, mas mamahalin nila 'yung trabaho nila. Saka pabalik noon, mas gagalingan nila sa trabaho nila at mas magiging honest sila sa'yo. Bago nila alagaan mga costumer mo, dapat sa'min mga owners, inaalagaan namin mga tao namin. Sila talaga 'yung importante kasi sila 'yung nagpapatakbo ng business 'eh," kuwento ng aktres.
Panoorin ang kuwento ni Kiray sa Kapuso ArtisTambayan.