What's on TV

WATCH: Kiray Celis's house tour

By Maine Aquino
Published April 26, 2021 2:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCSO: No jackpot winners for April 26 major lotto draws
PSA: Davao region maintains largest economy in Mindanao
Farm to Table: (April 26, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Kiray Celis in Sarap Di Ba Bahay Edition


Panoorin ang house tour ni Kiray Celis at alamin ang kaniyang buhay pamilya sa 'Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition'.

Nagbigay ng house tour ang Kapuso star na si Kiray Celis sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.

Sa episode nitong April 25 ay ibinahagi ni Kiray ang iba't ibang bahagi ng kanilang bahay. Ipinakita rin niya ang mga regalo na kaniyang ibinigay para sa kaniyang mga magulang, mga kapatid, at pamangkin.

Ang mga magulang ni Kiray ay binilhan niya ng massage chair at mapapanood raw ito sa kaniyang vlog.

Gaming chair naman ang naging regalo ng aktres sa kaniyang kapatid.

"Ang gandang investment ng gaming chair kasi maganda sa trabaho nila. Work from home tayo 'di ba so kailangan 'yung pagiging comfy sa sarili mong bahay ay kailangan na todo-todo."

Kita naman ang pagiging loving na tita ni Kiray sa kaniyang mga pamangkin sa mga regalong ibinigay nito. Kuwento ni Kiray, "Dati ito 'yung pangarap ko sa sarili ko na hindi ko natupad noong bata pa ako, tinutupad ko ngayon sa mga pamangkin ko."

Dugtong pa ng aktres ay bumili siya ng slide para mag-enjoy ang mga pamangkin niya ngayong quarantine.

"Binilhan ko sila ng slide kasi alam ko 'yung mga bata miss na miss na nila lumabas. Miss na nila 'yung mga palaruan sa labas kaso bawal 'yung mga bata talaga sa labas.

"Ang ginawa ko umorder na lang ako ng ganyan para hindi sila mabagot dito sa bahay."

Kiray Celis in Sarap Di Ba Bahay Edition

Ikinuwento naman ni Kiray na mayroon din silang paupahan na nagsisilbing source nila ng extra income.

"May tatlo kaming paupahan, pinaparenta namin. 'Yung first floor namin, 'yun 'yung mga paupahan dahil alam mo na 'pag walang mga kita, kailangan may income tayo."

Panoorin ang episode na ito sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.

RELATED CONTENT:

WATCH: Jojowain o totropahin with the Legaspi family

Rocco Nacino at Melissa Gohing, nagbahagi ng kanilang kuwento bilang mag-asawa