What's Hot

WATCH: Klea Pineda, emosyonal na inamin na gusto na niyang talikuran ang showbiz noon

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 25, 2020 12:46 PM PHT
Updated January 25, 2020 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Klea Pineda, marami ang natututunan sa kanyang role sa 'Magkaagaw.'

Naging emosyonal ang Kapuso actress at Magkaagaw star na si Klea Pineda nang balikan ang kanyang mga pinagdaanan noon.

Sa panayam ni Cata Tibayan, inamin ni Klea na iniisip na niyang umalis noon sa show business hanggang dumating ang Magkaagaw.

"Ang daming challenges na dumating sa akin, dumating sa point na gusto ko na mag-change ng career," kuwento ni Klea.

"Kasi baka, sabi ko kay Lord, 'Lord, bigyan mo ko ng sign kung dito talaga ako.

"And then, binigay niya sa akin 'to, 'yung Magkaagaw, and 'yun 'yung pinanghahawakan ko na 'Ah, may plan Ka sa akin,' sabi ko sa kanya."

Taos-puso rin siyang nagpapasalamat sa kanyang karakter sa Magkaagaw na si Clarisse, na nakabangon kahit na hiniwalayan ito ng asawa niyang si Jio, na ginagampanan ni Jeric Gonzales.

Ayon kay Klea, dama niya ang lakas ng katauhan ni Clarisse na nakakatulong sa kanya ngayon.

"You're time will come and if that day comes, sobrang ma-a-appreciate mo kasi alam mo sa sarili mo na pinaghirapan mo siya," ani Klea.

Nagbigay din si Klea ng advise sa mga tao na nagkakaroon ng self-doubt.

Alamin ang kanyang tip sa report ni Cata sa 24 Oras:


Huwag palampasin ang Magkaagaw, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Eat Bulaga.