What's on TV

WATCH: Klea Pineda, gaganap bilang babaeng may video scandal sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published August 28, 2019 1:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chris Pratt takes audiences along on immersive AI journey in 'Mercy'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Daring at mas mature ang role na gagampanan ni Kapuso actress Klea Pineda sa upcoming episode ng real life drama anthology series na 'Magpakailanman.'

Daring at mas mature ang role na gagampanan ni Kapuso actress Klea Pineda sa upcoming episode ng real life drama anthology series na Magpakailanman.

Bibigyang buhay kasi ni Klea ang kuwento ni Abbie Tolentino, isang dalagang nagkaroon ng isang sex video scandal.

Ipapakita sa episode ng epekto ng ganitong klase ng cybercrime, pati na ang epekto ng online bashing na natanggap ni Abbie.

Makakasama ni Klea sa episode si Jak Roberto na gaganap naman bilang Dan Ardales, binatang iibig kay Abbie kahit pa alam nito na may sex video scandal ang dalaga.



Si Don Michael Perez ang magsisilbin direktor ng episode.

Abangan ang "The Girl in the Sex Video Scandal," ngayong August 31 sa Magpakailanman.

EXCLUSIVE: Klea Pineda, excited nang mag-move on sa mature role sa 'Magkaagaw'

Klea Pineda talks about her dreams and aspirations in latest magazine feature