
Lubos daw na sentimental si Kapuso actress Klea Pineda kaya mahilig siyang magtago ng mga simpleng bagay na may special meaning para sa kanya.
Sa katunayan, nasa kanya pa ang mga cake toppers sa bawat birthday celebration niya mula noong nagsimula siyang mag-artista.
Naitago din niya ang headgear at espada na ginamit niya bilang si Muyak sa 2016 requel ng iconic GMA telefantasya na Encantadia.
Bukod dito, may koleksiyon din si Klea ng mga sneakers at caps. Dahil sa dami, may sarili pang kwarto kung saan itinatago ang mga ito.
Panoorin ang feature ng programang Tunay Na Buhay sa kuwarto ni Klea.