
Sa mundo ng basketball, isa sa mga itinuturing na hari ang NBA legend na si Kobe Bryant.
Binansagang Black Mamba sa hard court, Si Kobe ay pitong beses naging MVP o Most Valuable Player ng NBA, limang beses ding nag-kampeon ang koponan nilang LA Lakers, 13 beses napabilang sa LA All Star Games at isa ring Olympic gold medalist noong 2008.
Hindi na nakapagtatakang maraming Pilipino ang humahanga sa kanya dahil itinuturing na isa sa paboritong sports ang basketball sa Pilipinas.
Kabilang na sa mga avid fan ni LA Lakers shooting guard ang tinaguriang Kobe sa Velasquez, Tondo, ang 23-anyos na si Kris alyas Kobe Nguso.
“Napanood ko kasi siya 1990. Rookie pa lang siya, magaling na siya. May mga move siya na parang kakaiba sa mga naglalaro sa NBA. Talagang may future talaga siya na maging MVP,” pahayag ni Kris.
Tulad ni Kobe, shooting guard din si Kris at pati mga basketball moves ng una ay ginaya at ginagawa ni Kris gaya ng Ball Fake, Cross Over, at Fade Away Jump Shot.
“'Yung mga paborito niyang galaw, tapos 'yung mga diskarte niya, click pagdating ng clutch time,” sabi pa ni Kris.
Taong 2011 nang muling bumisita sa bansa si Kobe at pumunta sa Barangay Pinagsama sa Taguig para magpa-shooting contest sa mga batang kalahok.
Siyempre pa, nagpa-sample si Kobe sa naturang event at marami ang dumayo sa lugar para manood sa once in a lifetime experience na hatid ng basketball superstar.
Samantala nitong Linggo, sa edad na 41, ay pumanaw si Kobe nang masangkot ito sa isang helicopter crash sa Calabasas, Los Angeles. Binawian din ng buhay ang anak niyang si Gianna Bryant, 13, na kasama niyang lulan ng helicopter.
Panoorin ang kuwento ng pag-asa at inspirasyong hatid ni Kobe Bryant sa mga Pilipino sa pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho:
Kobe Bryant, 41, dead in helicopter crash with daughter
LOOK: Manny Pacquiao pays tribute to the great Kobe Bryant