What's on TV

WATCH: Komedyanteng si Don Pepot, biktima ng fake news: "Hindi pa po ko patay"

By Loretta Ramirez
Published July 22, 2018 4:37 PM PHT
Updated July 22, 2018 4:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos 'unbothered' by impeachment complaint
NCAA announces S101 volleyball tourney groupings, updates
Marian Rivera's Italian designer bag completes her pink outfit

Article Inside Page


Showbiz News



Sa 'Sunday PinaSaya,' ginawaran ng Puso ng Saya award ang batikang komedyante na inakala ng marami na patay na - si Don Pepot. 

Sa Sunday PinaSaya, ginawaran ng Puso ng Saya award ang batikang komedyante na inakala ng marami na patay na. Siya si Don Pepot, ang komedyante na sumikat noong dekada 70s at lumabas na sa halos 100 pelikula.

 

Naaalala niyo ba si Don Pepot? #SPSPusoNgSayaAward

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork) on


Sa awarding, ipinakita kung paano naging biktima ng fake news si Don Pepot. 2012 pa kasi huling napanood siya sa pelikula, kaya nang kumalat ang balita na namayapa na ang komedyante ay pinaniwalaan ito ng kanyang mga katrabaho sa showbiz at fans,

Ayon sa komedyante, "Doon sa mga nakaalam sa balita na ako'y patay...eto ha buhay na buhay ako."

Nagpasalamat naman siya sa Sunday PinaSaya sa parangal na natanggap niya.

"Taos ang aking pasasalamat," ayon kay Don Pepot na kahit hirap na magsalita at kumilos ay pilit pa ring nagpapatawa.