
Sa gitna ng pagshu-shoot ng pangalawang bahagi ng kanyang Glow With Yellow Lookbook, nakapagsingit ng isang impromptu interview si Kris Aquino.
Inimbita niya on camera si Al Fonzi, ang netizen na nag-edit ng viral 'job interview' video niya.
Ibinahagi ni Fonzi na 40 minutes niyang ginawa ang video kung saan kumuha siya ng footage sa isa sa mga webisodes na matatagpuan sa official YouTube channel ni Kris at in-edit ito para magmukhang isang job interview.
Dahil dito, isang job offer ang natanggap niya mula sa tinaguriang Queen of All Media.
"When we contacted you, did you think it was a hoax?" tanong ni Kris.
"To be honest, it wouldn't matter because at that point iniisip ko baka offensive siya po sa inyo. So the fact that you commented and you liked it, sabi ko 'Okay. okay na ko,'" sagot naman ni Fonzi.
Hindi naman daw na-offend si Kris dahil nakita raw niya na ginawa ang video na may 'affection' para sa kanya.
"Kasi I saw creativity. There are certain things that, of course I'm only human, I will find offensive. But ikaw, you did not cross that line," pahayag nito.
Panoorin ang interview ni Kris kay Fonzi, pati na ang pangalawang bahagi ng kanyang Glow With Yellow Lookbook dito:
Video courtesy of The Aquinos