
Inilabas na ni Queen of All Media Kris Aquino ang pangatlong webisode ng kanyang Wear Kris series.
Una na niyang ipinakita ang kanyang lookbook para sa mga white at yellow outfits. Ngayon naman, ang favorite color niyang pink ang focus ng webisode.
WATCH: Kris Aquino warns of following trends in third part of lookbook webisode
Ayon kay Kris, hindi raw siya 'girly girl' noong siya ay bata pa. Pero natutunan niyang mahalin ang kulay na pink.
"But growing up, I liked Hello Kitty and really loved Little Twin Stars, and that's when the love for pink started. And until now I'm a certified pink addict," sulat niya sa kanyang official Facebook account kung saan niya inilabas ang tatlong parte ng webisode.
Iba't ibang shades ng pink ang ipinakita ni Kris sa kanyang iba't ibang outfits. Bukod dito, pinaghalo din niya ang mga fast fashion brands at mga high end brands.
Narito ang Pretty in Pink lookbook ni Kris: