
Sa isang Facebook and Instagram live video, sinagot ni Kris Aquino ang response sa kanya ni Presidential Communications Operations Office assistant secretary Esther Margaux Justiniano Uson, or mas kilala bilang Mocha Uson.
Kris began her live broadcast by saying, "So much has happened today, so many unexpected things. I'd just like to end this."
Ito ay para sa sinabi ni Mocha Uson sa isang live video na kung saan sinagot ni Mocha si Kris ng: "Ito po ang aking response sa live video ni Ms. Kris Aquino, this is not about Kris Aquino. Tungkol ito sa paglagay ng malisya sa isang halik. Itinumbas lang sa gawain ng ibang lider, tulad ng tatay niya. Ms. Aquino, this is not about you."
Pinaliwanag naman ni Kris kung bakit gusto niyang tapusin na ang issue na ito, pero idiniin ng aktres na may karapatan siya magsalita sapagkat anak siya ng dating politician na si Ninoy Aquino.
Ika ni Kris, "One, I will say, this is not about me, it's about my father. But you have to accept this fact, laman at dugo niya ako. At may karapatan ako na magsalita para sa kanya. Sinabi mo, gawain lang ito ng isang lider."
Kris emphasized that she doesn't have any personal issue against President Duterte. "I will not add further to that, dahil hindi ko kagalit si Presidente Duterte. Hindi po ako nakisawsaw sa kahit ano'ng issue na bumabatikos sa kanya.
"Ang sasabihin ko lang, uulitin ko 'yung words mo, gawain ng isang lider. Ibabalik ko ang words sa 'yo. Sino ang humalik? End of issue ito. 'Yung sinasabihan mo ako na it's not about me. I'm sorry. When it is about my mother, and when it is about my father, it will always be about me.
Kris said that she can't for the life of her take Mocha swiping at her deceased parents sitting down. "Kahit sino'ng anak, kahit sino'ng nanonood sa akin ngayon, 'pag magulang na, hate man nila ako, sabihin man nila na 'There she goes again,' but I think lahat mag-a-agree sa akin. Dahil lahat tayo, kahit ano man ang kulay natin, mahal natin ang mga magulang natin."
Ikinuwento rin ni Kris ang sinabi ni Special Assistant to the President Bong Go sa isang press conference na mag-a-apologize si Mocha. Aniya sa isang interview nito sa CNN, "She will also apologize."
Dagdag pa ni Bong Go, "Sang-ayon naman siya sa amin ni Pangulong Duterte sa pag-sorry po."
READ: Mocha Uson will apologize to Kris Aquino, says Bong Go
Sagot naman ni Kris tungkol sa interview na ito: "'Yung last line na 'yun mahalagang-mahalaga sa akin. Klarong klaro naman po, diba?
"'Yung video," Kris goes on, referring to Mocha's FB video, "na napanood natin, walang ka-sorry sorry. Boss na niya po ang nagsasalita. Sinasabi kong boss niya dahil nagtatrabaho siya sa Malacañang."
Nilinaw ni Kris na si Secretary Bong Go, ang "kanang kamay" ng presidente ay nag-sorry pero si Mocha Uson hindi, at "galit pa" ito sa video.
Patuloy ni Kris, "I'm offering this, this is for my mom who told me, be the better person. This is also for my dad. Alam niyo po kung bakit ako talaga nasaktan.
"It was the choice of the video. You choose the video taken... how many minutes before he was killed? How many minutes before walang kadipe-dipensa ang tatay kong namatay.
"You say it is not about me, it will always be about me, dahil anak ako. Pagod na ako. Nakakapagod po. Nakakapagod na kailangan na lang every time, lahat na lang ng pambabastos ng followers tatangapin mo, lulunukin mo, at tatanungin mo ang sarili mo, nagnakaw ba ako sa inyo, may masama ba akong nagawa sa inyo, may masama bang nagawa si Ninoy at Cory Aquino kay Pangulong Duterte. Paulit ulit kong sinasabi, magalit kayo kay Noy, magalit kayo sa Liberal party."
Hindi raw niya ito nasasabi dahil isa siyang "yellow tard" or dahil tungkol ito sa politika, nagsasalita raw ang aktres bilang anak ni Ninoy Aquino at Cory Aquino, isang " anak na pinalaki para mahalin ang Pilipinas."
Dagdag pa niya, "I tried to reach out. I humbled myself," at [Parang] "Ikaw na 'yung binato, pero ikaw pa ang nagaabot ng kamay dahil gusto mo maayos ito."
Sa huli ay nilinaw ni Kris na gusto na niyang tapusin nito. Aniya, "I want to end just by saying, Mocha, you win. You win because you hurt me. And I think that's what you wanted to do.
"Nanalo ka dahil patuloy mong inapak-apakan ang pagkatao, ang alaala ng dalawang tao na pinakamamahal ko. 'Yung sinabi kong hindi kita uurungan, nagdasal ako, at na-realize ko, bakit pa? Kahit ano pang gawin na kabutihan na ipakita ko sa inyo, kahit ano'ng pagsubok ko na maayos natin ito, ayaw niyo ayusin, eh."
Nagpasalamat din siya sa supporta ng mga tao sa kanya sa kalagitnaan ng issue na ito.
She added, "To everybody who showed us support and love, again I thank you. To everybody, sa lahat ng nakaintindi, sa lahat ng umunawa, maraming maraming salamat po. 'Yung sinabi ko kagabi, na may boses ako, na binigyan niyo ako ng boses, totoo naman 'yun eh. Nagiisip po talaga ako ngayon. Sincere ito."
It was at this point Kris Aquino hinted that she might run for a senatorial seat. But she clarified that she's still unsure and that she's still waiting for a sign.
"Paano ko ba magagamit 'yung boses na 'yan, dahil nakikinig kayo sa akin.
"On Facebook alone, I was told that that live has more than five million views. So, maybe, my voice matters. I have contracts, contracts that prevent me from running, contracts that I just signed, but maybe you need a voice. I'll pray. I will pray about what is best for me to do.
"Pero baka mas maganda na hindi nga ako humingi ng posisyon, hindi ako maging elected official, para patuloy niyo ako pakinggan. Kasi pag naging parte na ako ng senado, sasabihin niyo, naging kagaya lang ako nila. Eh, ngayon, pantay-pantay tayong lahat. Siguro, 'yun, eh. Doon ko tatapos ito. Pantay pantay tayong lahat, lahat tayo naranasan na natin maapakan. Lahat tayo naranasan na natin bastusin ang dignidad natin. Pero hindi ako pinalaki para sumuko, kahit gaano kapagod. Pero hindi rin ako pinalaki para magbastos."
Panoorin ang buong video dito: