What's Hot

WATCH: Kris Aquino, tatlong taon lang naranasan magkaroon ng tatay?

By Bea Rodriguez
Published June 17, 2018 5:26 PM PHT
Updated June 17, 2018 5:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump wants nations to pay $1 billion to stay on his peace board, report says
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News



Sa kaniyang live video ngayong Father's Day, nagkuwento si Kris tungkol sa kanyang pamilya at kung paano siya hinubog nito na maging mabuting magulang kay Josh at Bimby.

Sinorpresa nina Josh at Bimby Aquino ang kanilang ina na si Queen of All Media Kris Aquino ngayong Father’s Day, June 17. Nagsilbing mother and father figure ang aktres sa kanyang dalawang lalaking anak.

WATCH: Kris Aquino, naiyak sa surprise Father's Day gift nina Bimby at Josh

Naiyak ang butihing ina sa audio-visual presentation ng kanyang boys na naglalaman ng mga alaala ng kanyang mga magulang, lalong-lalo na noong nakakasama pa niya sina dating Senador Ninoy Aquino at Pangulong Cory Aquino.

Bahagi ni Kris, “Nagkaroon lang talaga ako ng tatay for three years. Three years ko lang na-experience iyon, and that truly shaped me as a person. Everything that I am today was because of those three years in Boston, and everything that happened after that is because of who my mother is.”

Ang trahedya sa kanilang pamilya ang nagdulot sa kanyang ina na maging single mother noong nasa murang edad pa lamang siya. Natutunan ni Kris ang maging isang mabuting ina dahil kay dating Pangulong Cory Aquino.

“I equate being a parent and being a wife with strength. Hirap na hirap ako to share decision making. Everything that has made me a success in life was because of my mom. But that’s the problem, mahirap talaga to be a good wife when what you witnessed growing up was just someone on her own, and I think I am the mother I am today.”

Ang impluwensiya ng kanyang ina ay na-apply rin ni Kris kina Josh at Bimby, “In a perfect world, nabigyan ko sila ng buong pamilya, and nabigay rin ng mom ko sa akin iyon, kahit three years ko lang na-experience kung ano ang buong pamilya.”

Video from Kris Aquino's YouTube channel