
Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Kris Aquino kapag tinatanong tungkol sa kinabibilangan niyang Hollywood film. Matatandaang lumipad patungong Singapore ang Queen of All Media kamakailan lang para sa rehearsal at shooting ng naturang pelikula.
LOOK: Kris Aquino, nagdala ng sariling glam team sa Singapore!
Kung pagbabasehan ang comments sa kanyang social media posts, tila magiging bahagi si Kris ng film adaptation ng bestselling novel na 'Crazy Rich Asians.'
Sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, ikinuwento ng aktres na sayang daw ang kanilang pinaghirapan kapag nagsalita siya tungkol sa pelikula.
"It was a dream come true to be a part of it. If you talk, and then matanggal ka, sayang lang lahat ng effort, sayang lahat ng gastos. So I'll obey. For once in my life, I'll really shut up."
Bukod sa nasabing Hollywood film, nakatakda rin gumawa ng pelikula si Kris para sa isang digital viewing provider na kanyang ini-endorso ngayon.
Panoorin ang buong report dito:
Video courtesy of GMA News