
Inamin ni Kris Aquino na siya ang babaeng na nagbanta umano kay Nicko Falcis, na maririnig sa audio recording na kumakalat ngayon sa social media.
Mapapakinggan sa audio clip ang boses ng isang babae na nagsabing, “'Wag kang babalik sa Pilipinas, papapatay ka ng pamilya ko.”
Sa kanyang Facebook live, inamin naman ni Kris ang kaniyang pagkakamali at humingi ng tawad sa mga nasabi niya sa kanilang paguusap ni Nicko.
Aniya, “Nagkamali ako sa simula and inaamin ko yon and I apologize.
“Nagkamali ako dahil sa tindi ng galit ko dahil noong panahon na yon my son was breaking down.”
Dagdag pa ni Kris, kung sa tingin ni Nicko na grave threats ang kanyang ginawa, dapat ay nagsampa na ito agad ng kaso kinabukasan.
“Kung grave threats talaga yon, the very next day sana kinasuhan mo na ako.
“Sasabihin niyo, 'He was in another country.' Lawyers said, 'All he has to do was file an affidavit.' He did not.”
Samantala, sinabi naman ni Nicko na gusto na lang niyang matigil ang lahat ng nangyari.
“She threatened my life. This has to stop. I just really want her out of our lives.
“You know, my family and I are not part of this circus and I never wished that we become part of her circus, her controversies,” saad ni Nicko.
Panuorin ang buong detalye sa report ni Nelson Canlas sa 24 oras: