
Naging maingay ang pangalan ni Queen of All Media Kris Aquino ngayong 2018 lalo na sa social media matapos siyang masangkot sa ilang kontrobersiya.
#LabanKris: Ang mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Kris Aquino
Kaya naman bago matapos ang taon, isang video ang ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram.
Saad niya, "Matagal pinag-isipan this last video for 2018."
Naka-focus ang video sa appearance ni Kris sa Hollywood film na Crazy Rich Asians. Maraming Pinoy ang naging proud sa aktres ngunit mayroon ding mga nag-bash sa kanya.
"I'm smart enough to know I'm opening the door for the bashers to have an opportunity to say ”FEELING naman eh extra lang” but I also realized- I DO NOT LIVE FOR THEM, hence my decisions aren't made based on whatever they can say to me via their comments & posts because to be 100% factual- I was the only actress portraying a member of royalty, the sole princess in a movie titled #CRAZYRICHASIANS," pahayag niya.