
Extra special ang episode ng Celebrity Bluff nitong Sabado, June 9. Maliban kasi sa pag-celebrate ng programa ng kanilang fifth anniversary, naganap ang pinakahihintay na paghaharap sa bansa. Natuloy ang face-off sa pagitan nina Kris Tetay at Mocha Usog.
Tila bumaligtad ang mundo sa all-original Pinoy comedy game show dahil ang bluffers ang naging players, at kabilang na rito si Boobay na gumanap bilang si Mocha Usog. Dahil dito, napanood din sa parehong episode si Kris Tetay bilang guest bluffer.
Sa simula palang ng programa ay nagkairingan na ang dalawa. Kaya naman, minabuti ni Eugene Domingo na bigyan sila ng oras para magtapatan.
“Let’s finish this war,” paghamon ni Mocha Usog.
“Let’s settle this once and for all,” naging matapang na tugon ni Kris Tetay.
Nagtagpo sa gitna ng Celebrity Bluff stage ang dalawa at kinailangan pa maging referee ng star bluffer na si John Estrada.
Panoorin ang kanilang intense at nakakatuwang confrontation dito: