
Dahil uso ang #IponGoals, ang Kapuso stars na sina Kris Bernal at Bea Binene ay nagbigay ng kanilang mga techniques para makapagtabi ng pera na kanilang mga future.
Sa ulat ni Cata Tibayan, ibinahagi ni Bea na importanteng magtabi ng pera kahit gaano man ito kaliit o kalaking halaga. "Every peso counts. Kahit piso man 'yan, two pesos, one hundred, fifty, bente. Kapag dumami 'yan lalaki 'yan."
Kuwento pa ni Bea ay dapat rin i-consider ang mga insurance para makapagtabi para sa retirement.
"Mga insurance na hindi naman ganun kalaki 'yung contribution mo. Kasi kunyari magbabayad ka 5 years, hindi mo pa naman 'yan kukunin. Tutubo pa 'yan magiinteres pa 'yan. When you retire malaki na 'yan."
Pagiging smart shopper naman ang technique ni Kris para makaipon ng pera. Aniya, "Mahilig talaga ako mangolekta 'di ba ng mga bags ng mga shoes. Ngayon kahit alam kong may extra akong money, hindi ko na ginagamit 'yun. Nakita mo lang cute, hindi ko na binibili 'yung mga ganun. Lahat ngayon dapat magagamit ko."
Panoorin ang kabuuang ulat: