What's Hot

WATCH: Kris Bernal at Megan Young, may tip para sa 'Starstruck' hopefuls

By Cara Emmeline Garcia
Published May 21, 2019 10:25 AM PHT
Updated May 21, 2019 10:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Beachgoer sa San Juan, La Union, nasagip mula sa pagkalunod | One North Central Luzon
PCO exec Claire Castro reports ‘grave threats’ by FB page to NBI
Check out this newest one-stop lifestyle store in Makati

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon kay Megan Young, nagamit din niya ang mga natutunan sa 'StarStruck' sa Miss World.

Excited na ang StarStruck alumni na sina Kris Bernal at Megan Young na mapanood ang panibagong season ng hit reality show.

Kris Bernal at Megan Young
Kris Bernal at Megan Young

Dahil dito, nagbigay sila ng kani-kaniyang tips para magwagi ang StarStruck hopefuls ngayong taon.

Payo ni Megan, i-absorb lang ang lahat ng matutunan sa Kapuso artista search dahil, base sa personal experience, nadala raw niya ito 'di lamang sa pag-aartista kundi pati na rin sa Miss World.

“Dahil sa paggawa namin ng lahat ng iyon, madi-discover mo rin kung ano dun 'yung pinakagusto mo, kung gusto mo ba talaga siya o hindi.

“Mate-test mo 'yun kasi bata ka pa, e, at nagdi-discover ka pa kung ano 'yung mga bagay bagay na gusto mo sa buhay,” sabi ni Megan, na kasama sa top six contenders ng second season ng StarStruck.

Para naman kay Kris, importante na ibigay ng hopefuls ang kani-kaniyang best sa bawat challenge.

“Siguro talagang ibigay mo lang 'yung 100% mo.

“Kasi ako, I auditioned na hindi ako sumasayaw at hindi ako kumakanta.

“Lagi lang ako nasa baba. Siguro nakita nila na palaban ako,” sabi ni Kris, na kasama naman sa top six hopeful ng StarStruck: The Next Level (season four).

Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas: