What's Hot

WATCH: Kris Bernal at Rayver Cruz, magkakasama muli sa bagong suspense-thriller Kapuso series

By Cara Emmeline Garcia
Published May 21, 2019 9:54 AM PHT
Updated May 21, 2019 10:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
2025 Showbiz Recap: Milestones, collaborations, and farewells in Philippine entertainment
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News



Ano'ng project ang muling pagsasamahan nina Kris Bernal at Rayver Cruz? Alamin 'yan sa article na ito.

Matapos umere ang hit GMA Afternoon Series na Asawa Ko, Karibal Ko, muling magtatambal sina Kris Bernal at Rayver Cruz para sa isang suspense-thriller series sa Kapuso network.

Kris Bernal at Rayver Cruz
Kris Bernal at Rayver Cruz

Pahayag ng Kapuso heartthrob, mas madali na para sa kaniya ang bagong proyekto dahil komportable na siya sa kaniyang co-star.

“Mas madali lang kasi parang may rapport na kami sa bawat isa.

“Pero ngayon siguro babaguhin na lang namin kung paano 'yung atake namin sa bawat isa kasi iba naman 'yung characters namin ni Kris.”

Bahagi naman ni Kris, mas mature at palaban daw ang kaniyang bagong role kaya excited na siyang magsimula sa shooting at mapanood ng kaniyang mga fans.

“First time ko itong gawin na I'm sure ma-e-excite ang mga tao.

“At saka, makikita nila na ibang iba talaga 'yung role ko dito compared to before.”

Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas: