What's Hot

WATCH: Kris Bernal, hinihingan ng PhP 40,000 para maibalik ang na-hack na social media accounts

By Cara Emmeline Garcia
Published September 26, 2019 10:58 AM PHT
Updated September 26, 2019 11:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire breaks out in residential area in Makati
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News



Inilahad ni Kris Bernal kung paano siya naging biktima ng isang tila phishing e-mail, na naging sanhi ng pagkaka-hack ng kanyang social media accounts. Panoorin dito:

Ibinahagi ni Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko actress Kris Bernal sa kanyang vlog noong Lunes, September 23, na na-hack ang kanyang social media accounts na Twitter, Instagram, pati na ang personal e-mail address niya.

Kris Bernal
Kris Bernal

Dagdag pa niya, nanghihingi raw ng mahigit $700 o PhP 40,000 ang hacker na galing pa sa Konya, Turkey.

WATCH: Kris Bernal posts emotional video as she warns public about her hacked accounts

Samantala, sa panayam ni Aubrey Carampel, ipinaliwanag ni Kris na nagsimula raw ito nang may matanggap siyang e-mail na akala niya ay galing sa Instagram.

“May copyright infringement raw ako, so I have to report to them. Parang I have to click this link.

“Nung nakita ko sa Instagram, akala ko legit.

“Nung kinlick ko yung link, tinype ko yung email ko at password ko, dun na nagsimulang may lumalaban na sa password na hindi ko na ma-log-in.”

Ilang araw pagkatapos itong ma-hack ay naibalik rin ang Instagram account ng aktres sa tulong ng social media team ng GMA Network.

Subalit hindi pa naibabalik hanggang ngayon ang Twitter account at e-mail address niya.

“Nagwo-worry rin ako na baka may i-contact sila dun sa mga messages ko 'tapos akala nila ako.

“So, natatakot rin ako para sa ibang tao--mga followers ko o artista.”


Ayon sa NBI, kung mabibiktima ng gaya nito ay mas mabuting makipagugnayan sa law enforcement authorities para magabayan at mapayuhan nang tama.

“When you file a complaint with us or coordinate with us, yun ang pinaka-safeguard mo and you have that solid argument na hindi ikaw yung nang-i-scam sa ibang tao.

“We could easily prove that your identity was stolen,” paliwanag ni Dir. Vic Lorenzo, chief ng Cybercrime Division ng NBI.

Paalala rin ng NBI, mag-ingat sa pag-click ng mga link sa e-mail at pagbibigay ng impormasyon online.