
Ibinahagi ni Kris Bernal ang behind-the-scenes ng kanyang buwis-buhay na eksena sa Impostora na umere noong Huwebes, October 26.
Sa programa, napanood na binitin ni Rosette si Nimfa sa isang crane truck nang muli niya itong maipadakip. At ang delikadong stunt na ito, si Kris mismo ang gumawa.
Kuwento niya, “Sabi nga nila habang nakabitin ako: ‘Ang hirap kumita ng pera.’ Marami-rami na rin akong nagawang buwis-buhay scenes para sa #Impostora! Hihi! Pero don’t worry, alagang-alaga naman po ako ng buong produksyon at laging sinisigurado ang kaligatasan ko.”