
Kahanga-hanga ang pagganap ni Kris Bernal sa kanyang dual role bilang Nimfa at Rosette sa Afternoon Prime series na Impostora.
WATCH: Kris Bernal, ipinakita ang behind-the-scenes ng kanyang buwis-buhay na eksena sa 'Impostora'
Sa isang Instagram post, ipinaliwanag ng Kapuso leading lady kung paano ginagawa ang mga eksenang magkaharap sina Nimfa at Rosette.
Aniya, "Sa mga nagtatanong: Paano naghaharap si Nimfa at Rosette? One scene of confrontation takes almost two hours. At sa totoo lang, wala akong kausap o ka-eksena. Puro imagination lang. Bawal umalis sa pwesto! Steady lang para sa framing!"
May isang Instagram video pa si Kris kung saan, bilang Rosette, ay sinasaktan niya si imaginary Nimfa.