
Matapos ang tatlong taon bilang magkasintahan, engaged na sina Kapuso actress Kris Bernal at kanyang chef at entrepreneur boyfriend na si Perry Choi.
Nag-propose si Perry kay Kris sa surprise party na inihanda ng aktres para sa kanya.
"Kahit hindi mangyari 'yung surprise party na 'yun, plano niya na birthday niya magpo-propose talaga siya. So nangyari, double surprise nga," kuwento ni Kris.
Sa 2021 nila itinakda ang kanilang kasal pero may ilang mga ideya na raw sila para rito.
"Something to do with sunflower kasi 'yun 'yung favorite niya," ani Perry.
"Gusto ko sunflower. Gusto ko punung-puno ng sunflower at saka 'yung color motif, blue and silver," dagdag naman ni Kris.
Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras:
IN PHOTOS: Engagement blessing ceremony and resto opening of Kris Bernal and Perry Choi
IN PHOTOS: Ang mga lalaki sa buhay ni Kris Bernal