
Ilang beses nang naba-bash si Impostora star Kris Bernal at ang mga masasamang komento na kanyang natatanggap ay tagos sa puso.
“Sinasabihan nila akong anorexic, na bulimic daw ako, tapos sinusuka ko daw ang mga kinakain ko. It’s all about my weight, parang they’re bashing me because of my weight, and it’s something na hindi ko naman control. Wala akong magagawa kasi hindi naman talaga ako tumataba,” paliwanag ng dramatic actress.
Hanggang ngayon ay dinadamdam pa rin ng Kapuso star ang sakit kaya patuloy ang kanyang pangangampanya sa anti-cyberbullying campaign ng GMA na #HeartOverHate.
“May mga tao talaga na no matter how much I explain, and ipaglaban ang sarili ko, talagang tuloy-tuloy ‘yung pambu-bully. Feeling ko, nakatatak na sa utak nila iyon,” dagdag ng aktres sa kanyang #HeartOverHate campaign video.
Kahit ito ang pinagdadaanan niya bilang isang aktres, pinapaalala pa rin ni Kris sa kanyang sarili na masaya ang kanyang buhay at marami ang nagmamahal sa kanya.
Watch Kris' full interview here.