What's on TV

WATCH: Kris Bernal, nababaliw na sa 'Impostora?'

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2017 8:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SWS: 44% of Pinoys expect quality of life to improve in 2026
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News



“Okay naman, Mars, [pero] parang malapit na ako ma-coma. Nakakapagod eh, sobrang nakakapagod! Kausap ko ‘yung sarili ko, Mars. Nakakabaliw!..." - Kris Bernal

Si Kapuso star Kris Bernal ang napiling gumanap sa 2017 remake ng Impostora. Dalawang papel ang gagampanan ng aktres, ang role ni Nimfa at ni Rosette.

READ: Lilybeth G. Rasonable on Kris Bernal: “Feeling namin kaya niya ang ‘Impostora’ 

Sa pagbisita ng StarStruck alumna sa Mars, ikinuwento niya ang kanyang karanasan sa pagpo-portray ng dual roles.

“Okay naman, Mars, [pero] parang malapit na ako ma-coma. Nakakapagod eh, sobrang nakakapagod! Kausap ko ‘yung sarili ko, Mars. Nakakabaliw! Hindi pala coma, [kundi] nakakabaliw,” kuwento niya kina Mars hosts Camille Prats at Suzi Abrera at sa kapwa niyang guest artist na si Hannah Precillas habang nagluluto sa 'Mars Masarap.'

Dahil tampok ang booming business ng actress-turned-entrepreneur na “Meat Kris,” ipinatikim niya ang kanyang specialty na Cilantro Calamansi Fish Fillet.

LOOK: Celebrities visit Kris Bernal’s food business 

Nagkuwento na rin siya tungkol sa kanyang cooking skills, “Ngayon, nag-aaral pa lang kasi ako eh so hindi pa ako masyadong [nagluluto]. Nagluluto lang ako for myself.”

Puros healthy food raw ang kanyang hinahanda dahil sa kanyang napiling lifestyle.

Abangan ang Kapuso actress sa GMA Afternoon Prime soon!

 

Tikman ang masarap na specialty ni Mars Kris Bernal tonight on #MarsMasarap! #Mars | 7PM | GMA News TV (????: @krisbernal)

A post shared by Mars (TV Show) (@mars_gmanewstv) on

 


MORE ON KRIS BERNAL:

LOOK: Sinon Loresca, excited na makatrabaho si Kris Bernal 

LOOK: Kris Bernal, todo-todo na ang paghahanda para sa kanyang burger joint na #MEATKris