Girl power talaga itong si Kapuso star Kris Bernal. Babaeng-babae sa panlabas na anyo ngunit mahilig pala siya sa mga sasakyan na kadalasang kinahihiligan ng mga kalalakihan.
Halos 11 years na siyang nagmamaneho at alam n'yo bang siya mismo ang nagda-drive papuntang tapings at pati na rin sa mga red carpet events?
“Nagugulat ‘yung mga nagbubukas ng mga pinto kasi akala nila nasa passenger [seat] ako pero [ang] hindi nila alam, ako ‘yung nagda-drive [ng sasakyan],” kuwento niya sa Unang Hirit.
Fearless naman si Kapuso hunk Rocco Nacino kapag dala ang kanyang Ford Mustang tuwing wala siyang trabaho. Reveal niya sa report, “Na-try ko na ‘yung back and forth ng Baguio pero nakuha ko lang siya in two and a half hours.”
Sina Alyas Robin Hood star Andrea Torres ay mahilig matulog sa kanyang sasakyan habang si Encantadia star Glaiza de Castro naman ay nakikinig sa musika sa long drives.
Video courtesy of GMA News
MORE ON CELEBRITY CARS:
WATCH: Andre Paras proudly shows off his newest car
IN PHOTOS: ‘Trops’ stars & their hard-earned investments
LOOK: Janine Gutierrez, new endorser of auto brand