What's Hot

WATCH: Kris Lawrence, nabiktima ng 'rent-tangay'

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 28, 2019 4:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Barangay Ginebra piles on Rain or Shine woes, tightens grip on twice-to-beat bid
Marina Summers is grateful to have hosted MUPH 2026
Farm to Table: (May 3, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Hanggang ngayon, hindi pa naibabalik kay Kris ang kanyang bagong kotse na wala pang tatlong buwan.

Nabiktima ang singer na si Kris Lawrence ng 'rent-tangay' modus kung saan hindi ibinabalik nang umarkila ang kanyang sasakyan.

Kris Lawrence
Kris Lawrence


Hanggang ngayon, hindi pa naibabalik kay Kris ang kanyang bagong kotse na wala pang tatlong buwan na nirentahan ng nagngangalang Jumaril Buenaventura.

"On June 21, Jumaril Buenaventura rented the car and it was supposed to be until June 25," saad ni Kris.

Dagdag niya, "And then, meron po akong mga GPS sa mga sasakyan ko, nung [June] 24 naka-offline na, so ibig sabihin, either naputol or nasa area siya na walang signal."

Sa araw na dapat ibabalik ang sasakyan, nagpa-extend pa ang babae ng isang araw at sinabing nawala ang kanyang phone. Kinabukasan, napagkasunduan nilang magkita pero matapos ang apat na oras na paghihintay, hindi dumating ang babae.

"Jake [Kris' manager] went to her house and talk to the parents and to our surprise, 'yung mga magulang niya, hindi rin alam kasi medyo matagal din nilang hinanap," ani Kris.

Inireport na nina Kris ang nangyari sa Pasay Police at desidido siyang magsampa ng reklamo kontra kay Jumaril.