
Naging usap-usapan noong weekend ang first birthday celebration ng unico hijo nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na si Baby Alas Joaquin.
Numero uno sa priority list ngayon ng celebrity parents ang kanilang baby boy kaya engrande ngunit intimate na birthday party ang kanilang idinaos.
Kuwento ni Kylie kung bakit malalapit na pamilya at kaibigan lang ang kanilang inimbita, “We wanted to be really hands-on kasi first birthday nga ni Alas. We wanted it that way, more on [celebrating] with the people we really know well.”
Present sa Lion King-themed birthday celebration ni Alas ay ang kanyang lolo't lola na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez kasama ang kanilang anak na si Baby Isabella.
Naroon rin ang Encantadia Sanggres na sina Gabbi Garcia at Diana Zubiri-Smith kasama ang kanyang baby na si Aliyah Rose. Nakisaya rin ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania kasama si Baby Primo.
“As much as possible, kung ako lang, sana mas marami pang mga ganito. Kahit walang okasyon, magkita-kita [ang pamilya],” dagdag ni Aljur sa report.