What's Hot

WATCH: Kylie Padilla, mapapanood sa 'The Cure'

By Jansen Ramos
Published June 16, 2018 11:33 AM PHT
Updated June 16, 2018 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado si Kylie Padilla na mas naging malawak ang kanyang pag-iisip nang isilang niya ang kanyang baby na si Alas Joaquin.

Mas challenging para kay Kylie Padilla ang pagiging first time mom kaysa sa kanyang pagganap bilang Erenea sa Joaquin Bordado at bilang Amihan sa Encantadia.

Hands-on siya sa kanyang baby na si Alas Joaquin at araw-araw daw ay may natututunan siya sa pagiging ina.

Aniya, "The biggest lesson that I learned is you have to be selfless. Siguro, mas malawak lang ang pagtingin ko sa mundo ngayon kasi before aaminin ko talaga [I'm] very selfish."

Malaki daw ang naitutulong ng kanyang Tita Mariel Rodriguez sa paggabay sa kanya bilang first time mom. Aminado si Kylie na nahihirapan siyang maging malayo sa kanyang baby lalo't balik-showbiz na siya.

Pero, kahit busy siya sa taping, sinisugurado ni Kylie na alam niya ang mga nangyayari kay Alas. Ika niya, "Every hour, nag-che-check ako."

Halos isang taon at anim na buwan ding hindi napanood si Kylie sa telebisyon kaya miss na miss na raw niya ang kanyang trabaho. Sa katunayan, balik-acting na siya para sa isang action-packed role sa The Cure.

"I miss doing action. I dunno what it is about getting pregnant pero you really wanna punch a wall kasi [naka-steady ka lang 'pag buntis.]

Panoorin ang buong panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras: