
Kayanin kaya ni Kylie Padilla ang makabili ng makeup essentials sa halagang P1000?
Sa bagong YouTube video ni Kylie, ipinakita niya kung kakayanin niyang mag-shopping ng makeup on a budget.
Full face of makeup sa halagang Php 1000 ang challenge ng Toda One I Love actress sa kaniyang sarili.
Kasama niya ang kanyang kapatid na si Queenie para hanapin ang ilang budget-friendly makeup para magawa ang kaniyang makeup look.
Nakakuha rin si Kylie ng ilang makeup tips and tricks mula sa kaniyang ate.
IN PHOTOS: 31 celebrities who are also YouTube stars
Panoorin ang kanyang beauty on a budget challenge para malaman ang kanyang mga binili pati na rin ang kanyang mga must-have items pagdating sa makeup.