What's Hot

WATCH: Kylie Padilla, nakahanda na ang pangalan para sa susunod niyang anak

By Cara Emmeline Garcia
Published August 8, 2019 11:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Nine Cavs hit double figures during blowout of Pelicans
This show from Seoul features dashing oppas and will debut in Manila
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

kylie padilla talks about second pregnancy


Clue ni Kylie Padilla, “Ano na lang, 'A' din ang start."

Laking gulat ng asawa ni Kylie Padilla na si Aljur Abrenica nang malaman na lalaki ulit ang kanilang magiging pangalawang anak.

Kylie Padilla
Kylie Padilla

Ayon kay Kylie, "Kasi nga kaming lahat sa bahay, lahat pati yung buong family and friends, girl ang hula nila. So, pati ako naniwala na."

Pero para sa Kapuso actress, hindi na raw ito isang malaking sorpresa dahil nakaplano na ang kanyang mga anak noon pa.

"Hindi ako nagulat kasi may listahan ako na boy, boy, and then girl, so nasunod.

"May name na siya ['yung baby] kasi sinulat ko na siya before pa."

Nang tanungin ni 24 Oras reporter Nelson Canlas ang pangalan nito, biglang tumanggi si Kylie.

Aniya, "It's a surprise! Ano na lang, 'A' din ang start."

EXCLUSIVE: Kylie Padilla plans to do natural water birth for second child

A post shared by 🌙 (@kylienicolepadilla) on


Kwento rin ng former Encantadia star na nakaranas siya ng pre-natal depression sa first trimester ng pagbubuntis niya ngayon.

"Hindi ko siya naiintindihan! Bigla na lang nasa-sad ako.

"Pero ngayon naman, okay na naman ako kasi 'yung support system ko naman matibay e. Nandyan naman si AJ, si Alas, and my family and friends."

Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas:


EXCLUSIVE: Paano nalaman ni Kylie Padilla na buntis siya with baby number two?

IN PHOTOS: Kylie Padilla looks blooming during her mini-press conference