
Maganda ang simula ng showbiz comeback ni Kapuso actress Kylie Padilla matapos tanghaling latest winner ng Lip Sync Battle Philippines!
Una niyang pinahanga ang audience sa kanyang lip sync performance ng “I Have Nothing” ni Whitney Houston.
Sinundan naman niya ito ng todo-bigay na performance ng “Partition” ni Beyonce.
Natalo niya ang kapwa Sang'gre na si Gabbi Garcia na nag-lip sync naman ng “IDGAF” ni Dua Lipa at ng “Booty” ni Jennifer Lopez kung saan special guest pa niya si Sanya Lopez bilang Iggy Azalea.
Halo halo naman ang emosyon ni Kylie sa unang panalo niya sa Lip Sync Battle Philippines stage.
Patuloy na manood ng Lip Sync Battle Philippines, every Sunday pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.