
Hindi nagpahuli ang Kambal, Karibal star na si Kyline Alcantara na gawan ng sarili niyang version ang hit single ng bandang UDD (Up Dharma Down) na "Tadhana." Contemporary at soulful ang style ng kanyang pagkaka-awit kasama ang gitaristang si Kian Dionisio.
Ilan lamang sina Regine Velasquez, Mikee Quintos, at Ruru Madrid sa mga nauna nang gumawa ng version nito. Ginawan pa ito ni Michael V ng isang spoof para sa Bubble Gang na pinamagatang "Tadyakan." Ito rin ang official soundtrack ng 2010 GMA series ng Illumina.
Panoorin ang buong performance ni Kyline sa video na ito:
Video from Kyline Alcantara Music YouTube channel