What's on TV

WATCH: Kyline Alcantara, emosyonal sa naging first elimination sa 'StarStruck'

By Maine Aquino
Published June 18, 2019 10:51 AM PHT
Updated June 18, 2019 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit naging emosyonal si Kyline Alcantara sa pagkakatanggal nina Crystal Paras at Nahuel Prieto sa 'StarStruck'? Alamin sa article na ito.

Sa Inside StarStruck, ipinakita ni Kyline Alcantara ang kanyang emosyonal na mensahe sa pagkakatanggal nina Crystal Paras at Nahuel Prieto sa StarStruck season 7.

Kyline Alcantara
Kyline Alcantara


Panimulang kuwento ni Kyline, kahit na natanggal man sila sa original reality-based artista search, hindi ito nangangahulugan na katapusan na ito ng pag-abot ng kanilang pangarap.

"May mga satisfied sa ginawa nila, may mga of course heartbroken sa naging resulta ng ating competition ngayon. Lagi kong sinasabi sa kanila na don't give up because this is not the end. Yes, they did their best. Alam nating lahat na hindi pa ito 'yung huli ng lahat."

IN PHOTOS: 'StarStruck' season 7 premiere

Naka-relate umano si Kyline sa dalawa dahil minsan na rin siyang sumali sa isang contest kung saan maaga rin siyang na-eliminate. Sina Crystal at Nahuel ay ang unang male and female contenders na hindi nakapasok sa Final 14 ng StarStruck season 7.

"Ako 'yung pinakaunang naalis sa competition. Feeling ko it's a sign na parang siguro itong showbiz na 'to o 'yung dream ko na pagiging artista is really not for me."

Payo ni Kyline kina Crystal at Nahuel ay huwag mawalan ng pag-asa dahil makakamit rin nila ang kanilang matagal nang pinapangarap.

"Just keep on praying if gusto mo talaga, just keep on doing what you're doing. Don't give up in life. Nandiyan si God sa tabi mo para pakinggan ka, para damayan ka. Hindi ka niya i-judge...Keep on striving, keep on working hard. Kasi it will show naman eh. "




Abangan ang Inside StarStruck Monday to Friday tuwing 6:00 p.m. sa StarStruck YouTube and Facebook page.