What's Hot

WATCH: Kyline Alcantara, gustong maka-duet si Julie Anne San Jose

By Jansen Ramos
Published February 14, 2018 4:04 PM PHT
Updated February 14, 2018 4:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
PAGASA: Isolated rains over parts of PH, HPA ridge extends over Northern Luzon
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Idol ni Kyline Alcantara si Julie Anne San Jose kaya nais niya raw itong maka-duet.

Bukod sa pag-arte, nakikilala na rin ang Kambal, Karibal star na si Kyline Alcantara sa pagkanta.

Nag-viral ang kanyang cover ng hit song na "Perfect" ni Ed Sheeran at pumalo pa nang mahigit one million ang views nito sa Facebook page ng Kapuso Army.

Ayon sa report ni Cata Tibayan, pitong taong gulang pa lang si Kyline ay sumabak na ito sa pagtateatro kaya nahasa ang kanyang galing sa pagkanta.

Idol ni Kyline si Julie Anne San Jose kaya nais niya raw itong maka-duet, at gusto rin daw niya itong maka-showdown pagdating sa pagsasayaw. Saad niya, "gusto ko pong maranasan namin maging si Beyonce."