
Unti-unting natutupad ang mga pangarap ng tinataguriang La Nueva Kontrabida na ngayon ay isa nang La Nueva Diva.
WATCH: Kyline Alcantara is PMPC 2018's New Female Recording Artist of the Year
Tagos hanggang kaluluwa ang performance ni Kapuso teen star sa Kyline Alcantara sa kanyang birthday concert na “KYLINE TAKE FL16HT” noong Sabado, September 8 sa SM North EDSA Sky Dome habang kinakanta ang OPM classic song na “Pangarap na Bituin.” Punong-puno ng emosyon at damang-dama ito ng young singer dahil tila napaluha siya.
IN PHOTOS: Kyline Alcantara's 'Kyline Take Fl16ht' concert
“I'm happy. I'm just so happy and thankful sa lahat ng nagtiwala sa akin. Thank you,” matipid na sinabi ng Kambal, Karibal actress sa panayam ni Nelson Canlas sa Balitanghali.
Hindi ito naging posible kung hindi dahil sa GMA Network, GMA Records, GMA Artist Center at sa kanyang mga fans kaya paulit-ulit ang pasasalamat ng dalaga. “Thank you so much sa lahat ng mga Sunflowers ko. Thank you, everyone for trusting me. Maraming-maraming salamat,” pagtatapos niya.
Video from GMA News