
Para sa latest episode ng Inside StarStruck, pinapasok ni Heart Evangelista si Kyline Alcantara sa kanyang dressing room sa StarStruck.
Hindi lamang dressing room ang nilibot ni Kyline dahil nagkaroon rin siya ng pagkakataon na silipin ang laman ng bag ni Heart.
Itinuro rin ni Heart kay Kyline ang kanyang beauty hacks to look fresh and young.
Tungkol naman sa pagiging judge, inalam ni Kyline ang proseso na ginagawa ni Heart bilang parte ng StarStruck council.
Alamin ang latest kuwento ng ating StarStruck Insider sa episode ngayong June 21.