
Binalikan ni Kapuso singer and actress Kyline Alcantara ang mga luma niyang photos at videos para i-recreate ang mag ito sa isang online exclusive video.
Inalala ni Kyline ang pagsali niya sa isang dance competition noon sa kanilang paaralan, kung saan nanalo pa daw sila ng second place ng kanyang dance partner.
Naikuwento din niya ang tungkol sa pagku-curate niya sa kanyang Instagram account noon.
Bukod dito, muli niyang inarte ang isa sa mga eksena niya sa hit GMA Telebabad series ng Kambal, Karibal.
"My gosh, oh my gosh, Kambal, Karibal. Ayan 'yung moment, sobrang kinakabahan ako. Ganyang kalapit kami ni Ms. Gloria (Romero) so nag-toothbrush ako bago [ang eksena]," kuwento ni Kyline.
Panoorin ang online exclusive video na ito ni Kyline.
Si Kyline Alcantara ang Artist of the Month noong nakaraang Disyembre para sa Kapuso Artistakeover.
WATCH: Kyline Alcantara's Autocomplete Interview
WATCH: Kyline Alcantara reviews toys from the '90s