What's Hot

WATCH: Kyline Alcantara reveals struggles before entering showbiz

By Jansen Ramos
Published April 11, 2018 12:07 PM PHT
Updated April 11, 2018 12:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral poised to do ‘tell-all’ before her death, says Lacson
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin kung ano ang pinagdaanan ni Kyline Alcantara bago narating ang kasikatang natatamasa ngayon.

Hindi madali ang pinagdaanan ng Kambal, Karibal star na si Kyline Alcantara bago pa man siya mabansagang "La Nueva Kontrabida." Bata pa lamang siya ay hilig na niya ang pag-arte kaya sumali siya sa iba't ibang audition. Aminado siyang madalas siyang hindi natatanggap kaya pinanghinaan siya ng loob.

"Siyempre mahirap po sa audition dahil pipila ka po talaga nang sobrang haba just to get the role, 'yun po 'yung isa sa mga dahilan kung bakit po ako nagpursige. Lagi nga po akong na-re-reject sa bawat audition and sinasabi ko na lang nagsasayang na lang tayo ng oras d'yan. Pero buti andiyan po sila Mama at si Papa para sabihan ako na, 'Kung pangarap mo talaga 'yan, go lang nang go, and don't give up on your dreams'," bahagi niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Sa murang edad, sumabak na siya sa teatro at naranasan pang maging extra sa mga teleserye. 

Kuwento niya, "I was 7 years old when I started. First po nag-musical theater ako. Naranasan ko pong maging extra, naranasan ko pong matulog sa lapag sa tabi ng basurahan kasi kita raw ako sa camera. 8 years old po ako noong sumali ako sa reality show, ngayon po andito na po ako sa GMA. Nagpasalamat po ako sa tiwalang ibinigay nila sa 'kin agad-agad kasi bagong aktres pa lang po nila ako."

Bukod sa kanyang mga pinagdaanan para maabot ang pangarap na makapag-artista, dumaan muna sa matinding pagsubok ang kanilang pamilya.

"I was 4 years old po yata nun nung nag-separate 'yung parents ko. At first, it's kinda hard. Si Mama lang po 'yung and'yan and my grandparents. May progress po na parang si Papa bumabalik sa life namin. Kami pong tatlong magkakapatid, okey po kami sa Papa namin."

Sa totoong buhay, kabaligtaran niya raw ang kanyang karakter sa Kambal, Karibal dahil hindi raw siya sing-banidosa ni Cheska.

Aniya, "Ako po 'yung nag-iisang babae sa magkakapatid and bunso po ako, one of the boys."

"Maldita lang ako 'pag minamalditahan ako or 'pag mali 'yung pagtrato sa 'kin o sa pamilya ko o sa mga fans ko," diin niya.

Katulad din daw siya ng kanyang mga ka-edad. Sinusundan niya rin ang mga star ng mga Korean drama. "Si Lee Jong-suk, crush ko po siya!"

Wala muna raw balak si Kyline na pumasok sa isang relasyon para makapag-focus sa kanyang showbiz career. Sambit niya, "Hindi ko pa po iniisip 'yun kasi pakiramdam ko hindi siya insipiration for now, kumbaga distraction siya."

Panoorin ang buong panayam sa video na ito:

Video courtesy of GMA Public Affairs