
Feeling blessed sina Kyline Alcantara at Therese Malvar dahil sila ang bibida sa upcoming Kapuso drama series na Inagaw Na Bituin.
Nagpapasalalamat si Kyline dahil sa sunud-sunod na projects ng binibigay sa kanya ng GMA Network.
Sa interview ng Unang Balita, sinabi niya, “I'm just so happy po na hindi po ako nababakante. Sobrang sarap po sa pakiramdam na sobrang busy ako.
“Well, ito po 'yung ipinagdarasal ko years before and ngayon nangyayari na siya.”
Samantala, excited si Therese dahil marami siyang unang mararanasan sa programang ito.
“Hindi lang po ito 'yung first kontrabida, but this is also my first major role in a teleserye,” wika niya.
Isang powerhouse cast din ang makakatrabaho ng dalawang batang Kapuso stars.
Kasama nina Kyline at Therese sina Gabby Eigenmann, Sunshine Dizon, Angelu de Leon, Angelika dela Cruz at Marvin Agustin.
Abangan ang Inagaw Na Bituin, malapit na sa GMA Afternoon Prime!